Ang Munting Prinsipe

 

  1. INTRODUKSYON

                        Ang nobelang “Ang Munting Prinsipe” ay unang inilimbag sa amerika ng Reynal at Hitchcock noong Abril 1943 sa wikang French at Ingles, at sa france nang lumaya na ang france dahil ipinagbawal ng Vichy Regime ang lahat ng mga isinulat ni Antainede Saint Exupery. Ang nobelang ito ay isang maikling nobela na naglalahad ng kuwento ng isang batang prinsipe na naglakbay sa iba’t ibang planeta at nakipag-ugnayan sa iba’t ibang karakter. Ang nobelang “Ang Munting Prinsipe” ay pumatungkol sa isang prinsipeng bumisita sa iba’t ibang planeta. Ang nobelang ito ay may malalim na tema tulad ng pagkakaibigan, pag-ibig, pagkawala, at kahalagahan ng buhay, pati na rin ang kahalagahan ng pagmamahala at pag-aalaga sa kapwa. 

II. BUOD

Isang araw, may natagpuang isang piloto sa disyerto. Nasira ang makina ng kaniyang sasakyang pampalipad kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang manatili sa kung saan siya napadpad. Isang araw Pumunta ang munting prinsipe sa disyerto’t nakita ang piloto, nakipag-usap siya rito. Makatapos nang ilang araw bumalik siya sa kaniyang planeta at nag paalam sa kaniyang alagang rosas upang maglakbay. Iniwan ng prinsipe ang kaniyang maliit na planeta at Nagsimulang maglakbay sa uniberso, nakilala ang isang serye ng mga kakaibang matatanda, kabilang na ang isang hari, isang palalong lalaki, isang lasenggo, isang negosyante, isang lamplighter, at isang geographer. Sa pamamagitan ng mga pagtatagpo na ito, ang prinsipe ay sumasalamin sa likas na katangian ng pag-uugali ng tao at ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pag-ibig, at imahinasyon. Sa huli, nalaman niya na ang tunay na mahalaga sa buhay ay hindi nakikita ng mata ngunit nadarama ng puso. Ang kuwento sa isang matindinding paggalugad ng kawalang-kasalanan, imahinasyon, at mga kumplikado ng mga relasyon ng tao.

III. PAGSUSURI

Teoryang Realismo- Sapagkat ito ay nagpapakita ng iba’t ibang uri ng isyung panlipunan o “Social Issues”.

Teoryang Humanismo- sapagkat ang nobelang ito ay naka-pokus sa munting prinsipe, naka-pokus sa ugali nito.

Teoryang Biograpikal- sapagkat ang nobelang ito ay ang nobelang ito ay isinulat nang mamatay ang kaibigan ng may akda, ginawa niya itong basehan ng kuwento.

Teoryang Klasismo- sapagkat pinakita sa nobelang ito nung tumungo ang munting prinsipe sa isang mundo na kung saan naroon ang matandang hari, inaya siya ng hari na maging alalay neto at tumanggi naman ang prinsipe dahil inisip niya kung mananatili siya rito hindi niya malilibot ang unibersidad. Sa senaryong ito, pinakita na nakapokus sa pag-iisip.

Teoryang Romantisismo- sapagkat nagpapakita ito ng iba’t ibang uri ng emosyon tulad nung iniwan ng munting prinsipe ang rosas at nakaramdam ng pagkalungkot ang rosas.

Teoryang Eksistensyalismo- sapagkat sa nobelang ito may senaryong mas pinangkinggan niya ang kaniyang puso kesa sa kanyang utak.

IV. OPINYON

Para sa akin ang nobelang ito ay hindi man tiyak na kaintindi ngunit may magandang kahulugan. Mga senaryong pinapakito rito ay mayroong malalalim na kahulugan. Para sa akin, mahalagang intindihin nating ng masinsinan ang nobelang ito dahil base sa aking naunawaan, ang mga pinapakita dito ay konektado sa ating mga buhay.



Comments